'Di talaga boto sa 'yo, Gerald.. DENNIS, NON-SHOWBIZ GUY ANG GUSTO PARA KAY JULIA
Mukhang hindi pa rin tanggap ng comedian na si Dennis Padilla ang aktor na si Gerald Anderson para sa kanyang anak na si Julia Barretto. Sa isang interview kasi ay nasabi ni Dennis na kung siya ang tatanungin, gusto niyang non-showbiz guy ang maging BF ni Julia. Magiging magulo lang daw ang buhay ng anak kung artista rin ang makakatuluyan nito. Anyway, payo lang ito ni Dennis bilang ama. Si Julia pa rin naman ang magdedesisyon kung saan siya liligaya. Pakiusap lang ni Dennis, huwag namang aapihin at sasaktan ang kanyang anak. Handa siyang ipagtanggol si Julia sa sinumang manloloko rito. PANOORIN NYO PO: Loading...